Taal

Kontratista tiklo sa boga sa Taal

9 Views

Live1LiveKAMPO HENERAL MALVAR–Swak sa kulungan ang 52-anyos na kontratista na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons matapos madakip dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Taal, Batangas noong Sabado.

Kinilala ang suspek sa alyas na Bong ng Brgy. Butong, Taal, Batangas, ayon kay Batangas police director PCol. Oliver Ebora.

Nahuli ang suspek ng mga operatiba ng Taal police at Regional Intelligence Unit (RIU) 4A-PIT-Batangas sa tulong ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 86 ng Taal, Batangas.

Gumamit ng body camera ang mga pulis habang isinasagawa ang operasyon bilang pagsunod sa batas at matiyak na nasunod ang karapatan ng suspek.

Nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Taal police.