Martin

Kontribusyon ng power line workers  kinilala ni Speaker Romualdez

147 Views

KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan ng mga power line worker sa pag-unlad ng bansa.

Ayon kay Speaker Romualdez nagsasakripisyo ang mga line workers upang magkaroon ng kuryente ang mga bahay at negosyo kaya dapat lamang umanong suklian ang kanilang sakripisyo.

“The power industry is what energizes our economy, lights up our homes and allows us to live in comfort. And behind the energy sector are the line workers who risk their lives and limbs just to preserve and maintain our way of life,” sabi ni Speaker Romualdez.

“It is only right to afford them the benefits and protection due to them and their families for the perils they face in their line of work. This measure is in recognition of their immense contribution to our society and to nation-building,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7561 o ang panukalang Line Workers Insurance and Benefits Act upang magkaroon ng mandatory insurance at retirement pay ang mga power line man.

Kung nagtatrabaho sa electric cooperative, ang insurance coverage requirement para sa lineman ay nakadepende sa laki nito. Ang coverage ay P200,000 kung small cooperative, P400,000 para sa medium-sized P600,000 para sa large, P800,000 para sa extra large at P1 milyon para sa mega large.

Kung ang lineman ay nagtatrabaho sa transmission o grid operator, ang minimum na insurance coverage ay P2 milyon.

Kung sa pribadong Distribution Utilities, ang minimum insurance coverage ay P1.5 milyon.

Ang pagbabayad ng insurance premium ay sagot ng mga kompanya.