BBM Sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at Chief Presidential Legal Counsel Juan Valentin Ponce Enrile.

Kontribusyon ni JPE sa PH kinilala ni Marcos

Chona Yu Feb 14, 2024
150 Views

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagdiriwang sa ika-100 kaarawan ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Valentin Ponce Enrile o mas kilala bilang JPE.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng Pangulo ang kontribusyon ni Enrile sa pag-unlad ng Pilipinas.

Natatangi ayon sa Pangulo ang birthday ni Enrile dahil pambihira ang umabot ng 100 taon na puno ng achievement, serbisyo at tungkulin.

Aminado si Pangulong Marcos na mas nakakatulog siya ng maayos dahil nasa panig niya si Enrile kaya naman masaya siyang nakilala ito.

Binanggit ni Pangulong Marcos na bago pa man siya maging presidente ay humihingi na siya ng mga payo kay Enrile.

Pinasalamatan naman ni Enrile si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Marcos sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapagsilbi sa bansa sa ilalim ng administrasyon nito.

Para kay Enrile, ang kanyang karera sa ilalim ng Marcos Sr. administration ang isa sa pinakamasayang mga sandali sa kanyang buhay, sunod ang paglilingkod naman sa anak nitong si Pangulong Bongbong Marcos.

Ginawaran ng punong ehekutibo si Enrile ng Presidential Letter of Felicitation.