Calendar
Kooperasyon ng Mexico, PH palalakasin
Sa pag-uusap nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Ambassador-designate ng Mexico sa bansa na si Daniel Hernandez Joseph nabanggit din ang selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng relasyon ng Pilipinas at Mexico.
Nagtungo si Joseph sa Malacañang noong Lunes upang ipresinta ang kanyang credential kay Pangulong Marcos.
Sinabi ng Pangulo na ang bagong ekonomiya ay nananawagan ng bagong workforce na mayroong bagong kasanayan.
“And much of the work we are doing to transform the economy is to transform the workforce so that the daily technologies are understood. It extends in every field,” sabi ni Pangulong Marcos.
Sinabi ng Pangulo na kung dati ay tinitignan ang Mexico na nasa kabilang panig ng mundo, nagturo umano ang pandemya ng pamamaraan upang makapagnegosyo ng hindi kailangang pisikal na bumiyahe ng malayo.
“So I think that changes the relationship and that changes the possibilities, the potentials that we should explore,” sabi pa ng Pangulo.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa Mexico sa kanilang pag-aalaga sa Filipino community.
Sinabi rin ni Joseph na ang national university ng Mexico ay nag-aalok na ng Filipino studies.