BBM1

Kooperasyon palalakasin sa pag-uusap ni PBBM, Widodo

201 Views

SESENTRO sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Pilipinas at Indonesia ang pag-uusap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo.

Nakatakdang pumunta si Marcos sa Indonesia sa Setyembre 4. Ito ang kanyang unang state visit.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, sasaksihan nina Marcos at Widodo ang pagpirma sa ilang kasunduan ng dalawang bansa kung saan nakapaloob ang mga prayoridad ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.

Ang Indonesia, ang may pinakamalaking ekonomiya sa Southeast Asia at kasalukuyang pangulo ng G20. Ito rin ang susunod na chair ng ASEAN.

Kakausapin din ni Marcos sa Indonesia ang mga negosyante upang himukin ang mga ito na mamuhunan sa bansa.

Sa Setyembre 6 ay pupunta naman si Marcos sa Singapore matapos na imbitahan ni Pangulong Halimah Yakob.

Bukod kay Yakob ay makakausap din ni Marcos si Prime Minister Lee Hsien Loong kaugnay ng pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa.

Sasaksihan nina Marcos at Lee ang pagpirma sa mga kasunduan sa larangan ng counter-terrorism at data privacy.