PBBM and south korea president Source: Korea.net file photo

Korean President Yoon Suk Yeol bibisita sa PH

Chona Yu Oct 4, 2024
81 Views

BIBISITA sa bansa ang presidente ng Republic of Korea His Excellency Yoon Suk Yeol, para isang state visit sa Oktubre 6 hanggang 7.

Sa bisa na rin ito ng imbitasyon Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Opisyal na iwe-welcome sa Palasyo nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta – Marcos si President Yoon at ang may bahay nitong si First Lady Kim Keon Hee sa gagawing seremonya sa Lunes, Oktubre 7.

Ang pagbisita sa bansa ni President Yoon ay kasabay sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa noong Marso 1949.

Magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider para pag-usapan ang areas of mutual interest tulad ng kooperasyon sa political, security at defense, maritime, economic and development fields, people-to-people ties, gayundin ng labor at consular matters.

Inaasahan ding magpapalitan ng pananaw sina Pangulong Marcos at President Yoon hinggil sa regional international issues at muling pagtitibayin ang masiglang relasyon ng dalawang bansa.

Ito ang kauna-unahang bilateral visit ng isang Republic of Korea President sa Pilipinas mula noong 2011.