Tansingco

Koreano huli sa panggagantso sa CDO

148 Views

ISANG Koreano na sangkot umano sa panggagantso ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Cagayan de Oro.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nasakote na si Park Sang Hyun, 63.

Nahuli ito ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI noong Abril 19 sa bisa ng warrant of deportation na ipinalabas noong Nobyembre 2022.

“He will be deported as soon we have obtained the required clearances for his departure. Consequently, he is perpetually banned from re-entering the Philippines due to his inclusion in our immigration blacklist of undesirable aliens,” ani Tansingco.

Ayon sa BI FSU si Park ay wanted sa District Court sa Incheon noon pang 2019 kaugnay ng panloloko umano sa isang Koreano ng halagang US$61,000.

Ang suspek ay ikukulong sa Warden Facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang pagpapa-deport sa kanya sa South Korea.