Koreans, pulis nagkasundo palakasin seguridad sa Angeles

Bernard Galang May 3, 2025
27 Views

NAGKAROON ng dialogue na naglalayong itaguyod ang kapayapaan at kaayusan sa Korean community ang ginanap noong Biyernes sa Angeles City.

Ang pulong, na pinangunahan ng Korean Association Building sa Brgy. Anunas, dinaluhan ng mga pangunahing stakeholder mula sa Korean community at pulisya PNP upang talakayin ang pagsisikap para matiyak ang isang ligtas na kapaligiran na kaaya-aya sa pag-unlad ng negosyo para sa lungsod.

Pinangasiwaan nina Choi Jhong Pil, presidente ng Korean community, at Joo Yong Guk, miyembro ng board of directors.

Binigyang-diin ng dalawang Koreano ang papel ng komunidad ng Korea sa pag-aambag sa kaligtasan at kaunlaran ng Angeles City at para itaguyod ang kapayapaan at kaayusan upang maging ligtas ang negosyo para sa lokal at dayuhang mamumuhunan.

Ang inisyatibo nagmamarka ng isang kritikal na hakbang para mapanatili ang tiwala at humikayat ng investors para sa paglago ng ekonomiya sa Angeles City.