Ange Kouame Ateneo’s Ange Kouame

Kouame: Champion, hindi MVP

Theodore Jurado May 8, 2022
299 Views
Carl Tamayo
UP’s Carl Tamayo

SA kanyang ikatlong season para sa Ateneo, may mas inaasam pa si naturalized center at leading MVP contender Ange Kouame.

“To be honest with you, I’d rather be a champion than to be MVP,” sabi ng 24-anyos na si Koaume, na pinuri anh kanyang mga kakampi upang maging kalmado habang nasa bubble bago magsimula ang UAAP men’s basketball tournament.

“The way how they all messaged me to tell me that this is family, you have all the time to come back and be ready for the season. This is what motivates me to push myself every single day, especially for this season and I try to do that for them also,” aniya.

Naghahangad ng four-peat, determinado ang Blue Eagles na maiganti ang kanilang kaisa-isang talo sa season na siyang nagwakas ng kanilang 39-game winning streak na nagsimula noong October 2018.

Sasagupain ng Ateneo ang University of the Philippines sa kanilang ikalawang all-Katipunan championship series sa huling tatlong seasons sa alas-4 ng hapon ngayon sa inaasahang dadagsain na Mall of Asia Arena.

Namayani ang Blue Eagles sa kanilang unang pagtutuos, 90-81, noong March 26 bago sinira ng Fighting Maroons ang kanilang myth of invincibility sa pamaagitan ng 84-83 panalo sa Labor Day.

Habang magaan na dinispatsa ng Ateneo ang Far Eastern University sa Final Four, 85-72, para sa kanilang ikalimang sunod na title round appearance, kinailangan naman ng UP na malusutan ang matinding hamon ng La Salle upang makopo ang kanilang ikalawang Finals appearance sa huling tatlong seasons.

Humabol ang Maroons, na lumamang lamang ng kabuuang 31 segundo sa dalawang paghaharap ng Green Archers sa Final Four, mula sa 14 points na pagkakabaon upang maitakas ang 78-74 panalo Biyenes ng gabi.

Ipinakita ni Carl Tamayo, isa sa pinakamahigpit na kalaban ni Kouame para sa pinakamataas na individual award, kung bakit siya kaabang-abang nang ma-outscore niya ang buong La Salle, 12-10, sa fourth quarter upang makuha ng UP ang mahirap na panalo.

Ang prized find mula Cebu, sisikapin ni Tamayo na madala ang kanyang no-quit attitude kontra sa pinapaborang Eagles.

“Simula bata ako, hawak ako ni coach Gold (Monteverde). Never kami tinuruan na bumigay eh,” sabi ng 21-anyos na si Tamayo.

“Alam namin nahihirapan kami, pero alam ko sa loob ko na simula bata ako walang bibitaw hanggang dulo, lalo na sa ganitong klaseng sitwasyon. Siguro dahil doon sa hinubog sa amin ni Coach Gold simula noong bata kami, lalabas at lalabas lalo na tuwing ganitong laro,” aniya.