Kris

Kris nakalabas na ng ospital

Vinia Vivar Nov 1, 2024
76 Views

Nakalabas na ng Makati Medical Center si Kris Aquino at kasalukuyang nasa bahay na.

In fact, may bago siyang post sa kanyang Instagram Story na larawan niya kasama ang kanyang dalawang anak habang nasa kama sila.

Dahil Halloween, in-edit ang mukha nina Joshua at Bimby (Kris’ sons) at tinakpan ng spooky elements.

Caption ni Kris, “I will love these 2 boys ‘the rest of my life’ — my favorite M&Ms.”

Pagbati pa niya, “Happy Halloween.”

Matatandaang last Sunday ay sumailalim si Kris sa isang procedure sa Makati Med, ayon sa kanyang long-time friend/confidante na si Dindo Balares.

Hindi na idinetalye ni Dindo kung ano ang procedure na ito.

Sa bagong Facebook post ni Dindo kahapon ay kinumpirma rin niyang nakalabas na nga ng ospital si Kris.

“Para sa media friends na nangungumusta kung nakalabas na sa Makati Medical Center si Kris: yes po. Katunayan, may Story post na siya sa IG,” ani Dindo.

Ibinahagi rin niya ang message ni Kris sa kanyang followers bago ito sumailalim sa procedure.

“Please say that please let me get my health okay and the matulungin Kris will definitely be back. I just need to start working para may pang-share,” ang mensahe raw ni Kris sa kanyang followers.

“Kasi nga excited makisali sa relief,” sabi pa ni Dindo.

He also revealed na gusto na raw bumalik sa trabaho ni Kris.

“I don’t want sadness for my followers. Because I want them to continue praying. We all need to have faith although, Kuya Dindo aamin ako — sa sobrang sakit there are moments I really can’t help but cry. I remind myself though, I’m allowed because I’m still human,” sabi ni Kris kay Dindo.