Calendar
Kristel naiyak sa wedding invitation
Hindi napigilang maiyak ng aktres/vlogger na si Kristel Fulgar nang makita niya ang kanilang wedding invitation para sa nalalapit nilang kasal ng Korean fiancé na si Ha Su-hyuk.
Sa kanyang latest vlog ay mapapanood ang pagdating ng wedding invitation sa kanyang bahay na nakalagay sa isang malaking box.
“Dumating na ‘yung hinihintay ko. This is it,” habang binubuksan ang box.
Nang mabuksan niya ito and finally ay makita na, napasigaw at naging emosyonal si Kristel.
“Nakakaiyak. It’s so cute. Invitation ‘to ng wedding ko,” sey niya.
Dagdag niya, “OA na kung OA pero nu’ng ginagawa ko siya, parang wala akong naramdaman. Pero nu’ng hawak ko na siya, ito na talaga.”
Kitang-kita nga kay Kristel ang sobrang happiness and excitement sa forthcoming wedding at kaagad nga niyang inilagay sa envelope ang invitations.
Mapapanood din sa vlog ang kanilang pre-nuptial shoot na kinunan sa iba’t ibang scenic spots sa South Korea.
“Pareho kaming excited, as in super excited. Masaya ‘yung wedding preparation pero parang gusto na lang naming matapos na,” sey ni Kristel.
Sa ngayon ay hindi pa dini-divulge ng aktres kung kailan at saan ang kasal pero mukhang very soon na nga ito.
Matatandaan na nitong nakaraang Pebrero ay inanunsyo ni Kristel sa kanyang vlog na engaged na sila ni Ha Su-hyuk.