Calendar
Kristofer biktima ng hit-and-run
Nabiktima ng hit-and-run ang Kapuso actor na si Kristofer Martin. Pero wala namang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagahanga dahil ligtas naman siya.
Ibinalita mismo ni Kristofer sa isang Facebook post last Friday ang aksidente.
Isang driver ng isang ride-hailing service ang nakabangga sa kanyang sasakyan at ipinost niya ang plate number ng motorsiklo nito.
Ayon sa aktor, matapos siyang mabangga ay tiningnan lang siya ng rider at pagkatapos ay pinaharurot na ang motorsiklo.
Kaagad naman niyang in-assure ang mga nag-aalalang fans na okay siya.
“Hi guys! Thank you sa concerns. Okay po ako. Sasakyan lang yung nadamage,” aniya.
Maya-maya ay nag-update siya at sinabing nakuha na niya ang contact number ng rider.
“Okay na guys. Natrace na. Nasamin na din contact no,” aniya.
Hindi na binanggit pa ni Kristoffer kung saan at kailan nangyari ang aksidente.