Nakaw

Kulong na dahil sa nakaw, huli ulit dahil sa pagnenok

Edd Reyes May 20, 2025
14 Views

NASA loob na ng selda dahil sa pagnanakaw, inisyuhan uli ng warrant of arrest habang nakapiit sa kasong pagnanakaw sa Navotas City ang isang 38-anyos na obrero.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, ilang ulit ng nasangkot sa pagnanakaw si alyas Bakaw.

Habang nakapiit sa Navotas City Jail, nakakuha ng isa pang warrant of arrest ang Warrant and Subpoena Section ng Navotas Police Station mula kay Navotas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Romana Maria Melchora Lindayag-Del Rosario ng Branch 287 laban sa akusado para sa kasong simple robbery.

Sinabi ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan na hindi sila titigil sa pagtugis sa mga kriminal na nahaharap sa iba’t-ibang kaso.