Co

Kuryente sa NAIA 3 agad naibalik

192 Views

MULING nagka-aberya ang suplay ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 subalit agad itong naibalik.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) officer-in-charge Bryan Co tumagal ng 37 minuto bago naibalik muli ang suplay ng kuryente mula sa Manila Electric Company (Meralco)

Agad umanong nahanap ng MServ, isang subsidiary ng Meralco ang problema.

Ayon sa MServ isang tauhan nito ang nakagawa ng pagkakamali na nagresulta sa pagkaputol ng suplay ng kuryente.

Ang MServ ay kinuha ng Terminal 3 upang gumawa ng mga hakbang para maiwasan ang nangyari noong Mayo 1.

Wala umanong nakanselang flight subalit pitong flight ang na-delay. Humingi ng paumanhin si Co sa mga naapektuhang pasahero.