Calendar
Kyle Christian Tutor ng UP, 2024 Bar topnotcher
INILABAS na ng Supreme Court ang listahan ang Top 10 na mga pumasa sa Bar exam.
Ang listahan ay ipinaskil Biyernes sa Padre Faura St.,Ermita, Manila.
Nanguna sa tinaguriang ‘most valuable lawyers ” sa resulta ng 2024 Bar examinations ang University of the Philippines.
Ang paglabas ng resulta ng mga nakapasa sa bar exam ay bahagyang naantala dahil kinailangang pagbotohan na i-adjust ang passing rate mula sa 75% sa 74%.
Sa anunsyo ni SC Associate Justice Mario V.Lopez, 37.8 percent ang nakapasa sa mga kumuha ng nasabing exam.
Ang top 10 na most valuable lawyers ay ang sumusunod;
1. Kyle Christian Tutor mula University of the Philippines – 85.77 %
2. Maria Cristina Aniceto ng Ateneo de Manila- 85.54 %
3. Gerald Roxas ng Angeles University Foundation School of Law – 84.35%
4. John Philippe Chua ng UP- 84.28%
5. Jet Ryan Nicolas ng UP- 84.26%
6. Maria Lovelyn Joyce Quebrar ng UP- 84.06%
7. Kyle Andrew Isaguerre ng Ateneo de Manila University – 83.90%
8. Joji Macadeni ng University of Mindanao- 83.74%
9. Gregorio Jose Torres II ng Western Mindanao State University- 83.59%
10. Raya Villacorta ng San Beda University- 83.47 %
Nagtabla naman sa ika 20 pwesto sina Pierre Angelo Reque at Charles Kenneth Lijauco na kapwa nagtapos sa University of Santo Tomas na nakakuha ng 82.79%.
Bagamat bumuhos ang ulan, hindi natinag ang mga bar examiners sa kanilang paghihintay na makita ang resulta ng bar exams ngayong taon .
Naging emosyunal ang karamihan dahil ang ilan ay nakapasa na sa unang pagkakataon.