Calendar

Lab For All Caravan ng Unang Ginang Liza Araneta Marcos, umarangkada sa Las Pinas
MAHIGIT 600 residente ang napagkalooban ng libreng medical at social services nang ilunsad ang Lab For All Caravan na nagsasagawa ng serye ng medical mission sa Piñas City.
Isinagawa ang unang arangkada ng Lab for All Caravan na proyekto ni Unang Ginang Liza Araneta Marcos sa CAA Elementary School Covered Court sa BF Internatinonal na dinagsa ng mga residente sa lugar.
Kabilang sa mga tinanggap na libreng serbisyong pangkalusugan ng mga residente ang medical constultation, laboratory diagnosis, eye check-ups na may kasamang libreng salamin, BMI at sugar testing, pati na rin ang pamamahagi ng libreng maintenance medicines ng Department of Health.
Kasama rin sa naturang kaganapan ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng DSWD, PCSO, PhilHealth, at Go Negosyo na naglagay pa ng kanilang mga booth upang mamahagi ng food packs, grocery items, wheelchair, paketeng pangkabuhayan at maging tulong pinansiya..
Malugod namang pinasalamatan ni Mayor-elect April Aguilar ang team ng Lab For All Caravan habang personal na sinaksihan ang maayos na implementasyon ng pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan bilang patunay na buo ang suporta rito ng lokal na pamahalaan lalu na’t malaki itong tulong sa mga pangangailangan ng mga Las Piñeros, lalu na sa mga limitado lamang ang kakayahang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
Nakatakda namang dalhin din ang Lab For All Caravan ng Unang Ginang sa iba pamg mga barangay sa Las Pinas upang mapagkalooban rin ng libreng serbisyong medikal ang mas maraming mamamayan ng lungsod.