Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Laban kontra rice hoarders, smugglers paiigtingin sa buong bansa—Speaker Romualdez

195 Views

MULING nagbabala si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga ganid na rice traders na nagpapahirap at gumugutom umano sa mga Pilipino.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang babala kasabay ng pagsabi sa mga kinatawan ng Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM) sa isang pagpupulong sa Manila Golf and Country Club na paiigtingin ang kampanya kontra sa hoarder at price manipulator sa buong bansa upang mahuli ang mga mapagsamantalang negosyante.

Bago ito ay inihayag ng Kamara de Representantes ang lubos nitong pagsuporta sa Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpapataw ng price ceiling sa bigas.

“If you want to be part of the solution, you are with us, we will help you, we’re going to support you. But if you’re part of the problem, we will root you out,” sabi ni Speaker Romualdez sa mga kinatawan ng PRISM.

Sinabi ni Speaker Romualdez na seryoso ang Kamara sa pagsuporta kay Pangulong Marcos na mapababa ng presyo ng bigas at maabot ng bansa ang rice self sufficiency.

“We won’t stop until the President is successful in achieving his targets. We’re very serious about it. And we’re not gonna stop here in Luzon, we’ll go to Visayas and Mindanao. We’re gonna hit every region,” ani Romualdez na ang pinatutungkulan ay ang magkatuwang na operasyon ng Kamara at Bureau of Customs at Kamara sa mga warehouse ng bigas sa Bulacan.

“If we find out that people are importing and hoarding and profiteering, we’re going to raid. And Customs will just seize it and give it to DSWD, to Kadiwa, to the DA for sale at a much lower price point,” dagdag pa nito.

Kasama ni Speaker Romualdez sa pakikipagpulong sina House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co, Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga at vice-chairperson Rep. David “Jay-jay” Suarez.

Kinilala ng Speaker ang hakbang ng PRISM na magbenta ng bigas sa halagang P38 kada kilo ngunit nababahala ito na ang mga ni-raid na warehouse ng bigas sa Bulacan na kanilang miyembro ay posible umanong sangkot sa hoarding at smuggling.

Kung totoo aniya na nais ng grupo na tumulong sa gobyerno ay dapat nilang ituro ang kanilang mga kasamahan na pinagsususpetyahan na sangkot sa pananamantala.

“We will call them in. We will be the one to talk to them on our terms. If we have to detain them until they tell us the truth, we will do that. And if we have to make sure they’re out of the business of smuggling profiteering or hoarding, we’ll get them out,” saad ni Speaker Romualdez.

Punto pa ng House leader, hindi maaaring gawing dahilan ng mga trader ang taas presyo sa world market para mahalan ang benta sa bigas sa bansa dahil maliit na bahagi lamang umano ng suplay ng bigas ng bansa ang galing sa Vietnam.

Bagamat kinikilala na dapat kumita ang mga negosyante, sinabi ni Speaker Romualdez na hindi makatwiran ang pagiging gahaman sa kita ng ilan sa mga ito.

Kung magpapatuloy umano ito ay mapipilitan ang gobyerno na maghigpit ng regulasyon at muling mag-angkat ng bigas.

“Don’t try to scare the government. The government can take over and do the importing itself and just break even or even subsidize. At the end of the day the people—the over 100 million Filipinos –should not be overcharged and go hungry,” ani Romualdez

Pinasalamatan naman ni Speaker Romualdez ang PRISM sa pagbibigay impormasyon sa sitwasyon ng bigas sa bansa.

“I’m glad that you are here, engaging with us,” sabi ni Romualdez sa miyembro ng PRISM.

Una nang binigyang diin ni Speaker Romualdez na mandato ng Kapulungan na tiyakin na may sapatbna suplay at abot kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin ng mga Pilipino.

“The welfare of our constituents remains our top priority, and we pledge to exercise our mandate to safeguard their interests to the fullest,” saad ng Kamara.