Boy Abunda, Senators Pia and Alan Peter Cayetano Boy Abunda, Senators Pia and Alan Peter Cayetano

‘Laban lang’: Mensahe ng ‘CIA with BA’ sa mga ama na may pinagdadaanan

221 Views

NAGBAHAGI ng kani-kanilang saloobin ang mga host ng ‘CIA with BA’ na sina Senator Alan Peter Cayetano at kapatid na Senator Pia Cayetano sa nakaraang Father’s Day episode nito kung saan hinarap nila ang mga isyu na may kinalaman sa mga ama.

Isa na rito ang paghingi ng tulong at payo ng isang ama na may mga anak na nakararanas ng bullying dahil sa kanilang albinism, isang rare genetic condition na nagdudulot ng pagkawala ng pigment sa balat, sa buhok, at sa mata, at minsan ay sinasamahan ng problema sa paningin.

“I learned na ang tatay, gustong ipagtanggol ka, gustong mag-provide [para] sa ‘yo, gusto kang ipaglaban pero in this world, hindi mo kontrolado lahat,” sabi ni Senator Alan Peter Cayetano. “So alam mo, makita lang naman talaga nung anak ‘yung pagmamahal ng tatay, rest assured mga tatay, alam nilang gagawin mo ‘yung lahat,”

dagdag niya. “Sometimes ‘yung mga tatay [parang], ‘hindi ko maibibigay ‘to, hindi ko magagawa ‘to.. paano na lang?’ But no, ‘yung effort niyo, nakikita ng mga anak and that speaks much much more than when you say ‘I love you’ dun sa bata,” wika din niya.

“Sa lahat ng fathers na nags-struggle, sa lahat ng fathers na you think you’re powerless, laban lang! And your children appreciate you,” diin ni Alan.

Sumang-ayon sa sinasabi ng kanyang kapatid si Senator Pia at inalala kung paano ipinahahayag ng kanilang yumaong ama na si Senator Rene Cayetano ang pagmamahal nito sa kanila noong sila ay mga bata pa. “‘Yung isang napansin ko sa father namin, mahilig siyang magsulat.

Parang in a way, hindi uso nung time nila na basta-basta kang sabihan na ‘I love you, anak’ . . . Pero ang ginagawa ng tatay namin, nagsusulat siya sa ‘min every occasion, may love letter siya sa ‘min,” pagbabahagi ni Pia. “Maiksi man minsan o mahaba, lahat kami may tinago kaming ganyan.

Tip ko lang din ‘yon sa mga tatay, maybe you can say [your thoughts] in a short note. Find a way na ipaalam niyo ‘yung pagmamahal niyo,” dagdag niya. Ibinahagi rin ni Boy Abunda ang palaging sinasabi sa kanyang ama na matagal naging konduktor ng bus.

“Palagi niyang sinasabi, ‘Kung nangangarap ka, dumating ka.’ If you dream, show up,” saad ng award-winning TV host. Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ng yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene Cayetano ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001. Napapanood ang ‘CIA with BA’ tuwing Linggo, 11:30 ng gabi sa GMA7.