Lacson

Lacson sa Senado: Bilisan aksyon sa impeachment trial

18 Views

TINAWAG ni incoming Senator Panfilo “Ping” Lacson na isang “mababaw” na isyu ang naging dahilan ng pagkaantala sa pagbuo ng impeachment court para sa kaso ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Kasabay nito, nanawagan siya ng mabilis at patas na aksyon mula sa Senado habang patuloy ang pag-usad ng proseso.

Sa panayam sa DZBB, binigyang-diin ni Lacson na hindi inaasahan ng mga beteranong mambabatas ang pagtatalo hinggil sa iskedyul ng pag-convene ng impeachment court, at tinukoy ito bilang isang simpleng usaping administratibo.

“On the matter of when to convene, it’s petty to say the least. What is the difference between Monday, June 9, and Wednesday, June 11?” tanong niya.

Ayon kay Lacson, maaaring hindi nasunod ng Senado ang itinatakda ng 1987 Konstitusyon na nagsasaad na ang impeachment trial ay dapat na agad isagawa.

Binigyang-linaw niya ang interpretasyon ni retired Justice Adolfo Azcuna na ang salitang “forthwith” ay nangangahulugang agarang pagkilos, at hindi dapat magkaroon ng “unreasonable delay.”

Sa isang post sa X (dating Twitter), muling iginiit ni Lacson ang kanyang punto:

“To convene or not to convene. So, what is the difference between Monday, June 9 and Wednesday, June 11? Answer: FORTHWITH.”

Ipinahiwatig rin niya na ang pagkaantala ay maaaring bunga ng internal na pulitika sa Senado. Sa halip na matuon sa mga mahahalagang panukala, aniya, nasayang ang oras sa mga usaping walang saysay.

“The Senate could have spent its time better on the legislative agenda instead of debating on petty matters, if ego was set aside and the impeachment court was allowed to convene immediately,” saad ni Lacson.

Dagdag pa niya, kung agad sinimulan ang paglilitis matapos matanggap ang impeachment articles noong Pebrero, sana ay nabigyan na ng pagkakataon si VP Duterte na ipaliwanag ang kanyang panig.

“The longer the delay, the greater the anxiety and doubt. If she were allowed to submit her replies, our people would have been enlightened on the articles of impeachment,” paliwanag niya.

Binigyang-suporta rin ni Lacson ang pananaw ni dating Senate President Vicente Sotto III na dapat ay agad na inirefer ang mga artikulo ng impeachment sa Committee on Rules upang hindi na lumala ang kritisismo laban sa Senado.

“The problem was that it was not done, so the case dragged on until there were many protests and criticisms against the Senate. It could have been avoided,” aniya.

Sa kabila ng mga naging pagkukulang, positibo pa rin si Lacson na magiging patas ang paghawak ng kaso kung ito ay umabot sa 20th Congress.

“Hopefully we will be fair. I for one have no decision on the case and will base my decision on the evidence… not the political nature of the impeachment court,” aniya.

Bilang huling paalala, pinaalalahanan niya ang mga kapwa senador na ang tunay nilang pananagutan ay nasa sambayanang Pilipino, hindi sa sinumang personalidad sa loob ng Senado.

“We will be judged by the people who will also see the evidence presented. Filipinos may not be lawyers but they can discern… Our obligation is not to the Senate leadership or the Vice President, but to the people. After all, we got our mandate from them,” pagtatapos ni Lacson.