Leni Robredo

Lagpak na satisfaction rating ni Leni pang-kickout sa eskuwela!

284 Views

KUNG baga sa grado sa eskuwela, kulang na lang ay kickout sa school ang inabot ni Leni Robredo mula sa pinaka-latest na nakuha ng net satisfaction rating nito dahil ang nakuha dating +24 ay +1 na lang ito ngayon.

Ibig sabihin, lumagapak ng 24 porsiyento si Robredo na pinakamababang record sa lahat ng mga papaalis na bise presidente ng bansa, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Dahil dito, maraming political analyst ang nagsasabi na masamang pangitain ito para sa kampo ni Robredo na tumatakbo ngayon sa pagkapangulo, lalo’t ilang buwan na lang ay halalan na!

“Maliwanag ito na hindi nasisiyahan ang publiko sa ginagawa niyang trabaho bilang pangalawang pangulo. At kung bise presidente pa lang siya ay hindi na masaya ang tao sa kanya ay paano pa siya iboboto ng mga ito bilang pangulo,” sabi ng isang political analyst na humiling na huwag muna banggitin ang kanyang pangalan.

Lumabas din na ang performance ni Leni ang pinakamababa sa lahat ng opisyal ng gobyerno na isinama sa nasabing survey.

Nakapagtala si Senate President Tito Sotto ng +52, habang si Chief Justice Alexander Gesmundo ay mayroong +7. Si Speaker Lord Allan Velasco ay nakitaan din ng pagbaba, ngunit mataas pa rin ang %5 nito kumpara sa 1% ni Leni.

Sa isang radio interview, sinabi ni political analyst at UP professor Clarita Carlos na maaaring may malaking epekto ang lumagapak na grado ni Leni kaugnay ng kandidatura niya sa pagka-pangulo sa halalan sa Mayo 9.

“’Yan ang nakapagtataka kasi they are presenting her as the cousin of Mother Theresa so dapat mataas ang trust rating niya ‘di ba? So ‘yun ang nakapagtataka pero kasi ano naman, ‘yang SWS ay talagang matatag na matatag na organization so we need to believe in the numbers that they give out,” she pointed out.

Kung ako ang tatanungin, maraming dahilan kung bakit mala-kick out sa school ang grado ni Robredo!

Una na rito ang paulit-ulit na pang-aaway na ginagawa sa mga katunggali, partikular na kay Bongbong Marcos.

Mismong ang banyagang si Louis Perron, kilalang political scientist at consultant, ang nagsabing base sa isinagawang ‘focus discussion group,’ habang binabanatan si Marcos, lalo lamang tumataas ang ratings nito.

“Pagod na po ang tao sa bangayan at siraan ng kandidato kaya kahit anong away ang gawin nila kay presidential candidate Bongbong Marcos, hindi po sila papatulan dahil ang ating panawagan ay pambansang pagkakaisa” sabi naman ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos.

Sinisipsip ng dumaraming BBM supporters ang ratings papalayo kay Robredo.

Kung ako ang tatanungin, isa sa posibleng dahilan kung bakit ligwak ang ratings ni Robredo ay dahil sa walang kakuwenta-kuwentang lumalabas sa Tiktok nito tungkol sa Hauduken.

Ang Hauduken para sa kaalaman ng lahat ay isang ‘special attack’ mula sa Capcom’s Street Fighter na video games.

Bukod diyan, may kadiri ring gimik sa social media tungkol naman sa isang katatakutang eksena habang huma-heart symbol ang mga daliri sa kanyang mga kamay.

Isipin n’yo, ang isang Bise Presidente ng bansa, huma-haudeken at huma-heart symbol sa isang kakatakutang eksena?

Hindi ba kadiri talaga?

Bukod dito, maraming mga naglalabasan sa social media hinggil sa mga mala-lugaw na sagot o talumpati nito sa tuwing nagsasalita o kinakapanayam ng media.

Ang bawat salita ay inuulit niyang sabihin at kung nanamnamin ay wala nang laman ay talagang walang kakuwenta-kuwenta ang kanyang mga sagot.

“Maigi pa nga ang lugaw may laman na lamang-loob, pero ang mga linya ni Leni, lugaw! Huwag kayong magtaka dahil malapit na rin tayong makita ng lugaw na nilalangaw!” sabi ng veteran newsman. Ni Marlon Purification