Calendar
Provincial
Laguna may libreng operasyon sa katarata sa Agosto 27
Gil Aman
Aug 7, 2026
154
Views
SIMULA na sa Agosto 27 ang libreng cataract operation sa Laguna na ipinalalagay ng lalawigan na panibagong hakbang sa pagpapalawak ng access sa mga serbisyong pangkalusugan.
Ayon kay Gob. Sol Aragones, ang unang batch ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay sasailalim sa libreng operasyon sa naturang petsa.
Sa pamamagitan ng programa, hindi na kailangang sagutin ng mga benepisyaryo ang karaniwang gastusin sa operasyon na kadalasa’y mula P10,000 hanggang P80,000 kada mata.
Bebot na HVI sa Cainta tiklo sa P1.7M shabu
Oct 14, 2026

