Ortega House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V

Lahat ng kalaban inaatake ni VP Duterte maliban sa China — Young Guns

17 Views

TALIWAS sa kanyang pagpapakita ng tapang sa kanyang mga kritiko, nakakabingi umano ang katahimikan ni Vice President Sara Duterte sa mga ginagawang pambu-bully ng China sa Pilipinas, kasama na ang pagpasok ng mga tauhan ng China Coast Guard sa Sandy Cay na bahagi ng Spratlys group of islands kamakailan.

Ito ang naging pahayag ng Lunes ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union.

“Where does her loyalty really lie, China or Philippines? From my perspective, it seems she knows nothing in campaign but to engage in political mudslinging with ‘Hit PBBM, administration allies but China’ as her stone-etched template,” akusa ni Ortega kay Duterte.

“She’s been going around hitting almost everybody, but never China! Apparently, mum is the word when it comes to Beijing. She’s dead silent when the issue about China occupying our very own yard is raised. Silent as the grave with zipped and sealed lips—very much unlike her,” giit ni Ortega.

“We all know that silence implies consent. We haven’t heard even a word from her. So, if I were to interpret it, it may very possibly mean ‘it’s a go for China’ as far as she is concerned,” obserbasyon ni Ortega. “Generally, silence means yes.”

“Again, where is patriotism here? Should we really listen or believe somebody whose interests go exactly the opposite of 75 percent of Filipinos who, based on the latest Social Weather Stations (SWS) survey, are likely to vote overwhelmingly and root for Team Pilipinas!” giit pa ni Ortega.

Bilang halal na opisyal ng gobyerno, sinabi ni Ortega, na miyembro ng tinatawag na Young Guns sa Kamara de Representantes, na dapat kanilang ipinagtatanggol ang bansa sa anumang uri ng agresyon o paglusob sa loob ng 36,000 kilometrong coastline nito mula sa Luzon, Visayas, hanggang sa Mindanao.

“If we cannot count on VP Sara to defend us from foreign colony, then who will?” tanong ni Ortega.

Ang Sandy Cay ay matatagpuan apat na nautical mile mula sa Pag-asa Island, na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Patuloy na pinamamahalaan ng Pilipinas ang lugar at pinagtibay ito ng 2016 Arbitral Award na nagbasura sa pag-angkin dito ng Beijing.

Ipinagtaka rin ni Ortega ang katahimikan mula sa isang mataas na opisyal ng gobyerno—ang ikalawang pinakamataas na lider sa pamahalaan—na may mandato at nanumpa na ipagtatanggol ang interes ng bansa batay sa 1987 Konstitusyon.

Batay sa pinakahuling survey ng SWS na kinomisyon ng Stratbase, 75 porsiyento ng mga Pilipino ang mas pipiliin ang mga kandidatong ipinaglalaban ang Pilipinas laban sa agresibong aksyon ng China.

Sa kaparehong survey, 25 porsiyento lamang ng mga sumagot ang nagsabing mas pipiliin nila ang kandidato na hindi nagtatanggol sa Pilipinas laban sa ginagawa ng China.