Martin Nagbigay ng mensahe si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa alliance signing ng Partido Federal ng Pilipinas at Lakas-CMD Miyerkules sa aManila Polo Club sa Makati City. Kuha ni VER NOVENO

Lakas-CMD bukas makipag-diskusyon sa HNP

Mar Rodriguez May 8, 2024
44 Views

Martin1BUKAS para sa diskusyon ang Lakas-Christian Muslim Democrats sakaling makipag-alyansa ang regional party ni Vice President Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago.

Ito ang ipinahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez matapos nitong sabihin na kokonsultahin nila ang Partido Federal ng Pilipinas ukol sa posibilidad bagama’t wala pang nagaganap na usapan sa HNP.

Ayon sa House Speaker, lahat ay posibleng mangyari maging ang pakikipag-alyansa ng PDP-Laban.

Kinumpirma rin ni Speaker Romualdez na may mga malalaking partido pang inaasahang makikipagsanib-puwersa sa Lakas-CMD.

Sabi ng House Speaker, ang sigurado sa ngayon, mayroong ibabanderang full slate ang Lakas at PFP sa Senado para sa 2025 midterm elections gayundin sa local level.

Idinagdag pa ni Speaker Romualdez na maraming ikokonsidera ang dalawang partido sa kung sinu-sino ang mapapabilang sa line-up at isa sa mga ito ay dapat sumusuporta sa economic Charter Change.