House Majority Leader Nanunumpa kay House Majority Leader at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez ang ilang kongresista na mga bagong miyembro ng Lakas-CMD. Kuha ni VER NOVENO

Lakas-CMD may 23 bagong miyembro

Mar Rodriguez Jun 10, 2022
183 Views

LALONG tumibay at tumatag ang puwersa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa Kongreso matapos manumpa kay incoming House Speaker at House Majority Leader at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez ang 23 bagong miyembro ng nasabing partido.

Pinanumpa ni Romualdez ang 23 bagong halal na kongresista sa ilalim ng 19th Congress bilang mga bagong kasapi ng Lakas-CMD kung saan lalong pang lumakas ang puwersa ng Lakas-CMD sa Kamara de Representantes na may 50 aktibong miyembro.

Ikinatuwa ni Romualdez ang pagpasok ng mga bagong miyembro ng Lakas-CMD dahil pinili ng 23 kongresista na sumapi sa kanilang partido. Kasunod nito ang pahayag niya na inaasahan niyang magkakaroon ng isang malusog na ugnayan sa lahat ng mga mamababatas.

“We are elated that our colleagues chose to be with us in Lakas-CMD. We look forward to having a fruitful engagement with them and sharing the values and advocacies we have followed and pursued as one of the biggest political parties in the country,” sabi ni Romualdez.

Sinabi din ng kongresista na ang desisyon ng mga bagong halal na mambabatas na sumapi sa Lakas-CMD ang lalong magpapatibay sa suportang ibibigay ng Kongreso para kay President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa mga legislative agenda nito.

Ang 23 bagong halal na kongresista na sumapi sa Lakas-CMD ay sina Reps. David “Jayjay” C. Suarez (Quezon), Patrick Michael “PM” D. Vargas (Quezon City), Dean Asistio (Caloocan City), Faustino “Inno” Dy V (Isabela), Marlyn “Len” B. Alonte (Biñan City, Laguna).

Emmarie “Lolypop” M. Ouano-Dizon (Mandaue City), Cheeno D. Almario (Davao Oriental), Francisco Jose “Bingo” F. Matugas II (Surigao del Norte), Samier A. Tan (Sulu), Jurdin Jesus “JJ” M. Romualdo (Camiguin), Dimple Mastura (Maguindanao), Christopherson Yap (Southern Leyte).

Irwin Tieng (Manila), Midy Cua (Quirino), Ernix Dionisio (Manila), Edsel Galeos (Cebu), Jinky Bitrics Luistro (Batangas), Arnan C. Panaligan (Oriental Mindoro), Doris E. Maniquiz (Zambales), Joseph Tan (Isabela), Faustino Michael Carlos T. Dy III (Isabela) Jojo Lara (Cagayan) at Steve Solon (Sarangani).