Martin Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Lakas-CMD muling iginiit suporta kay PBBM, kinilala pamumuno ni Speaker Romualdez

19 Views

MULING iginiit ng mga lider ng Kamara de Representantes na mula sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa layunin nitong maunlad at inklusibong Bagong Pilipinas.

Kasabay nito ay kinilala ng mga lider ng Lakas-CMD si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mahusay nitong pamumuno upang maitaguyod ang legislative agenda ng administrasyon ngayong 2025.

Pinuri nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe si Speaker Romualdez sa strategic at decisive approach nito sa pagsusulong ng mga kinakailangang reporma upang mabilis na mapaunlad ang ekonomiya, mapaganda ang serbisyo publiko, at mapaganda ang buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Marcos.

Sinabi ng mga mambabatas na sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagkakaisa ang Kongreso sa paghahatid ng mga pro-people na panukala alinsunod sa development goals ni Pangulong Marcos.

Pinuri rin ng mga lider ng Kamara si Speaker Romualdez dahil napag-isa nito ang supermajority coalition at napagtagumpayan ang pagsusulong ng kapakanan ng marginalized sector, habang tinutugunan ang mga kinakaharap na hamon ng bansa.

Ayon kay Gonzales, mayroong mahalagang papel na ginampanan si Speaker Romualdez upang maabot ng Kamara ang record-breaking accomplishment ng Kamara, kasama ang pagpasa ng mga panukala na direktang makakatulong sa mga magsasaka, manggagawa at maliliit na negosyante.

“Speaker Romualdez’s leadership has been the catalyst for the House’s unprecedented productivity, consistently driving results. His focus on inclusive growth and people-centered reforms demonstrates our collective commitment to improving the lives of every Filipino,” sabi ng kinatawan mula sa Pampanga.

Tinukoy naman ni Suarez ang pagpasa ng mga mahahalagang panukala sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, gaya ng Republic Act (RA) 12022, o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, upang malabanan ang agricultural smuggling, hoarding, profiteering at kartel, at nagdedeklara sa ginagawa ng mga ito bilang economic sabotage na may parusang habambuhay na pagkakabilanggo.

Binanggit din ng kinatawan mula sa Quezon ang RA 12078 na nagpapalawig sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031 at nagtataas sa taunang alokasyon para sa mga magsasaka sa P30 bilyon mula sa P10 bilyon.

“These measures, passed under Speaker Romualdez’s leadership, address long-standing issues in agriculture. They dismantle cartels, empower farmers, and ensure food security,” sabi ni Suarez.

Sinabi naman ni Dalipe na sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay naipasa ng Kamara ang 61 sa 64 na panukalang batas na tinukoy bilang prayoridad ni Pangulong Marcos at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“Speaker Romualdez’s leadership shows what unity and focus can achieve. He has ensured that we pass forward-looking laws that make an immediate impact on millions of Filipinos,” sabi ni Dalipe, na kinatawan ng ikalawang distrito ng Zamboanga sa Kongreso.

Kinilala rin ng tatlong lider ng Kamara ang pangako ni Romualdez na tiyakin na epektibong naipatutupad ang mga naipasang batas.

Pinuri ni Gonzales ang dedikasyon ni Speaker Romualdez sa transparency at accountability sa pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno upang mabilis na umangat ang ekonomiya ng bansa at maproteksyunan ang bulnerableng sektor ng lipunan.

Sinabi naman ni Suarez na ang pamumuno ni Speaker Romualdez ay hindi lamang sa paggawa ng batas kundi maging sa pagpapalakas ng ugnayan ng Kongreso at Executive branch.

“Speaker Romualdez ensures the House remains a strategic partner of President Marcos in delivering a Bagong Pilipinas where no Filipino is left behind,” sabi ni Suarez.

Sa pagpasok ng bansa sa 2025, nagpahayag ng kumpiyansa sina Gonzales, Suarez at Dalipe na mas gaganda ang kalagayan ng bansa sa mga socioeconomic reform na ipatutupad.

Ayon kay Gonzales nailatag ng pamumuno ni Speaker Romualdez ang matibay na pundasyon para maisulong ng administrasyong Marcos ang mga high-impact program nito upang mapaglingkuran ang mga bulnerableng sektor.

“Under Speaker Romualdez, the House is building a legacy of inclusive development, paving the way for a stronger, more resilient Philippines,” sabi ni Gonzales.

Muli namang inulit ni Suarez ang suporta ng Lakas-CMD kay Speaker Romualdez at sa legislative agenda ni Pangulong Marcos at nagpahayag ng kumpiyansa ng malaking pagbabago sa pagpapatupad ng mga reporma ng gobyerno.

“With Speaker Romualdez at the helm, every law we pass brings meaningful change to our people,” dagdag pa ni Suarez.

Muli namang iginiit ni Dalipe ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng kolaborasyon ng mga mambabatas, mga ahensya ng gobyerno at iba pang stakeholder.

“The leadership of Speaker Romualdez has shown that transformative change is possible when we work together. Moving forward, the House will champion reforms that build a more inclusive and prosperous nation,” giit ni Dalipe.