Calendar
Lala Sotto-Antonio nanumpa kay House Speaker Martin Romualdez bilang chairperson ng MTRCB
PORMAL nang nanumpa kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez bilang Chairperson ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) si Diorella Maria “Lala” Sotto Antonino.
Pinangasiwaan mismo ni Speaker Romualdez ang panunumpa ni Sotto-Antonio. Kung saan, ginanap ang “oath-taking” sa tanggapan ng House Speaker.
Kasabay na balita:
PINAPURIHAN ni TINGOG Party List Congresswoman Yedda Marie Romualdez ang ginawang pagsisikap ng liderato ng Kamara de Representantes, Quezon City Governement at Intergrated Bar of the Philippines (IBP) upang matulungan ang mga biktima ng gendered-base violence partikular na ang mga empleyado at mga pamilya sa Mababang Kapulungan.
Sinabi ni Romualdez na ang layuning ito’y naisakatuparan sa pamamagitan ng naganap na paglalagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Quezon city Protection Center (QCPC) sa ilalim ng tanggapan ni QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte at IBP-QC Chapter.
Ipinaliwanag ng may-bahay ni Speaker Martin Romualdez na kayunin din nito na mabigyan ang mga biktima ng gender-based violence ng legal, psychological at shelter assistance o bahay na matutuluyan.
Ayon pa kay Romualdez, ikingagalak nila ang makasaysayang paglalagda sa nasabing kasunduan na isinagawa sa Romualdez Hall sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kasunod ng kaniyang pahayag na buo ang kanilang suporta para matiyak ang kapakanan ng mga empleyado ng Kamara.
Naniniwala ang kongresista na magsisilbing pundasyon ang MOU upang lalo pang mapatatag ang ugnayan ng Kamara de Representantes sa QC Local Government at IBP para matugunan at matigil ang mga insidente ng gendred-based violence.
Sent from Yahoo Mail on Android