JC Abalos

Lalake na ikinasal sa kaniyang rape victim, himas rehas parin sa ilalim ng HB 9083

Mar Rodriguez Sep 13, 2023
221 Views

HIMAS REHAS o makukulong parin ang isang lalake na mapapatunayang hinalay nito ang kaniyang napangasawa o kaniyang “rape victim” bago sila ikinasal sa pamamagitan ng pagre-repeal o pagpapawalang bisa sa “forgiveness clause” na nasa ilalim ng Republic Act No. 8353 na mas kilala bilang Anti-Rape Law of 1997.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 9083 na isinulong ni 4Ps Party List Congressman JC Abalos sa Kamara de Representantes na naglalayong ipawalang bisa ang “forgiveness clause” nagbibigay pardon sa isang lalake matapos nitong pakasalana ang kaniyang rape victim.

Ipinaliwanag ni Abalos na layunin ng kaniyang panukalang batas na i-repeal ang forgiveness clause na nasa ilalim ng Section 266-C ng Anti-Rape Law of 1997 kasama na dito ang pag-amiyenda sa Family Code na nsa ilalim ng Executive Order No. 209 para maging batayan ang rape sa annulment ng kanilang kasal.

Sinabi ni Abalos na maaaring maging batayan ang rape para mapawalang bisa o ma-annul ang kasal ng isang mag-asawa. Ito ay kung nakasal lamang sila dahil ang babae ay sapilitang hinalay ng kaniyang asawang lakake.

“We seek to protect the unwilling victim against coerced marriage with a rapist by giving them ample time to get an annulment, understandably, it may take time for rape victims to find their voices but we want to ensure that they’ll have it under this proposed measure,” paliwanag ni Abalos.

Binigyang diin pa ng 4Ps Party List solon na bagama’t itinuturing ang kasong rape bilang capital punishment na may katumbas na kaparusahang “reclusion perpetua” o habang-buhay na pagkakabilanggo. Subalit ang ksalukuyang batas aniya ay nag-aabsuwleto sa mga rapist o sadyang makaiwas sa kaparusahan.

Ayon kay Abalos, ito ay sa pamamagitan ng pamimilit sa mga naging biktima ng rape na magpakasal sa taong humalay sa kanila (rapist) na tinaguriang “pagbabangong puri” para makaiwas sa kahihiyan ang isang biktima ng rape.

“If we want to preserve the sanctity of marriage. No person should be coerced to marry the person who violates them. We must stop forcing the victim into a lifetime of indignity while the rapist evades punishment. It is hightime to rectify the harm brought about by an incoherent,” sabi pa ni Abalos.