Calendar
Metro
Lalaki dinedo malapit sa bahay ng gunman na naka-face mask
Edd Reyes
Jun 17, 2025
421
Views
TODAS ang 20-anyos na lalaki ng barilin ng hindi pa kilala at nakatakas na mga salarin malapit sa kanyang bahay noong Linggo sa Arasity St., Brgy. Tinajeros Malabon City.
Naka-face mask at naka-bull cap ang bumaril sa biktimang si alyas Christian at naglakad lang ng tumakas patungo sa isang gas station sa Sisa St. ng naturang barangay.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-3:50 ng hapon nangyari ang pamamaslang matapos lapitan ng dalawang armadong lalaki ang biktima at pinaputukan ng tatlong beses.
Lumabas sa imbestigasyon ni P/MSg. Jeric Tindugan, may hawak ng kaso, na kamakailan lang ay inireklamo ang biktima dahil umano sa pagnanakaw ng bisikleta.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

