Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Gun

Lalaki dumayo, gumala ng may dalang baril, arestado

Edd Reyes Jan 22, 2025
104 Views

JerryTIMBOG ang 47-anyos na residente ng Caloocan City nang dumayo sa kalapit na Lungsod ng Malabon para lamang gumala habang may bitbit na baril Martes ng madaling araw.

Hindi na nagdalawang-isip ang mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na dambahin at sunggaban ang hawak na baril ng suspek na si alyas “Jerry”, residente ng Kapak St. Caloocan City, nang ma-ispatang palakad-lakad sa F. Sevilla Blvd. Brgy. San Agustin, bago mag-ala-1 ng madaling araw.

Ayon kay P/Lt. Jefferson Abuluyan, deputy chief ng Station Intelligence Section (SIS) ng Malabon police, itinawag sa kanila ng opisyal ng barangay ang ginagawang pabalik-balik na paglalakad ng suspek habang armado ng baril.

Hindi naman tinukoy ng suspek sa pulisya ang dahilan ng kanyang pagdayo sa lugar para lamang magwasiwas ng armas subalit hindi inaalis ng imbestigador na posibleng may hinahanting na kaaway sa lugar si alyas Jeffrey.

Nakumpiska sa suspek ng mga tauhan ng SIS ang isang walang serial number na kalibre .38 revolver na may kargang dalawang bala sa chamber.

Ayon kay Col. Baybayan, sasampahan nila ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa Omnibus Election Code ang suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office,