Suspek Ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

Lalaki huli sa boga na itinutok sa ere

Jon-jon Reyes Mar 16, 2025
17 Views

NAARESTO ng mga pulis ang isang lalaki na may dalang baril sa Tomas Mapua St. corner Fuso St., Brgy. 335, Sta. Cruz, Manila noong Linggo.

Ayon sa report, bandang alas-5:20 ng umaga araw ng maaresto si alyas Tristan, 40, ng mga elemento ng motorized patrol na sina Pat. Mark Jefferson Santos at Pat. Alvin John Echalar ng Alvarez police station 3.

Nahuli ang suspek ng may lumapit na concerned citizen at isinumbong ang lalaki dahil sa kahina-hinalang kilos.

Tinungo ng mga pulis ang lugar upang i-verify ang impormasyon. Pagdating sa lugar, nakilala ang suspek at napagmasdan na may hawak na baril at nakatutok ito pataas na parang may pinupuntirya.

Inaresto ang suspek at narekober ang cal. 38 na baril na kargado ng apat na bala,

Nabigo ang suspek na magpakita ng lisensya para sa baril kaya inaresto at dinala sa Alvarez precinct.