Kable Source: PNP file photo

Lalaki huli sa pagnanakaw

Bernard Galang Jun 24, 2025
21 Views

HULI sa akto ng mga pulis ang lalaking nagtangkang magnakaw ng cable wires na nagkakahalaga ng P1 milyon sa bahay sa Mabalacat City, Pampanga.

Sa ulat kay Police Regional office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., sinabi ng complainant na si Joel Cortez, 50, ng Stockholm St., Brgy. Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga, na nakita niya ang padlock ng kanyang bahay na pwersahang winasak kaya humingi siya ng tulong sa mga miyembro ng Bantay Bayan.

Nang pasukin nila ang bahay para tingnan, nalaman nilang nawawala ang ilan sa mga cable wire na nagkakahalaga ng P1 milyon at nahuli pa ang suspek na si alyas Sulen, 30.

Sa pagtatanong sa suspek, nalaman ng mga pulis ang pinagtataguan ng dalawa pa niyang kasamahan na sina alyas Torres, 47; at Domeng, 37, kaya naaresto din ang dalawa.

Sasampahan ng kasong robbery ang tatlo.