Sunog Source: File photo ni JONJON C. REYES

Lalaki huli sa pagsunog sa bahay, pagka-dedo ng lola

Bernard Galang May 19, 2025
11 Views

ARESTADO ang isang 38-anyos na lalaki na inakusahan ng pagsunog sa kanyang bahay na ikinamatay din ng isang lola sa Bulacan.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ng Bulacan police ang nasawi na si Rosalina Neglerio, 85, Sitio Panaklayan, Bgy. Muzon South, CSJDM, Bulacan.

Sinabi ng anak ng biktima sa pulisya na noong Sabado, nakita ng isang saksi ang suspek na si alyas Rico, 38, ng Sitio Panaklayan, na binasag ang ilang bote ng barnis saka ibinuhos sa loob at labas ng kanyang bahay bago ito sinunog.

Dahil dito, nasunog din ang bahay ng biktima na gawa sa light materials.

Nirespondehan ng mga miyembro ng SJDM City Bureau of Fire Protection ang sunog na idineklarang fire out ang apoy bandang 1:39 ng madaling araw noong Linggo.

Matapos maapula ang apoy, nagsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng BFP at natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima na nakahandusay sa sahig ng kanyang kwarto.

Inihahanda na ngayon ang kasong kriminal laban sa suspek.