Suspek

Lalaki na nagbenta ng boga sa parak, arestado

Steve A. Gosuico Sep 24, 2026
117 Views

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija–Naaresto ang lalaking pinaniniwalaang gun dealer dito matapos magbenta ng cal .38 na baril sa undercover na pulis noong Miyerkules.

Kinilala ni city police head Lt. Col. Gerald Fernandez ang naaresto na si alyas Alvin, 40, na nahuli sa Brgy. Abar 1st dakong alas-11:30 ng gabi.

Ibinigay ng suspek ang isang cal .38 revolver na may tatlong bala sa police poseur-buyer kapalit ng bayad kaya naaresto ang suspek.

Narekober sa suspek ang isang asul na sling bag na may lamang buy-bust money na P1,000 at dalawang boodle money at isang Honor mobile phone.

Kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearms and ammunition) ang nakatakdang isampa laban sa suspek.