Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Sinusuri ng Nueva Ecija police ang tatlong baril at mga bala na nakumpiska sa search operation noong Martes sa Science City of Munoz.
Provincial
Lalaki nahulihan ng 3 baril, bala kalaboso
Steve A. Gosuico
Dec 3, 2024
701
Views
SCIENCE CITY OF MUÑOZ–Kalaboso ang isang lalaki sa siyudad na ito ng mahulihan ng tatlong baril at mga bala sa search operation sa kanyang bahay noong Martes.
Sa ulat kay Nueva Ecija police director Col. Ferdinand Germino, kinilala ang arestadong suspek na si alyas Basyong ng Purok Damayan, Brgy. Balante ng siyudad na ito.
Nasamsam sa operasyon ang tatlong kalibre .45 na baril, isang silencer at mga bala ng kalibre .45, 9mm, kalibre .38 at 12-gauge shotgun.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 na isasampa laban sa arestadong suspek.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026
