Baril

Lalaki nakipagbarilan sa mga parak, muntik matodas

Edd Reyes Jan 2, 2025
17 Views

MALUBHANG nasugatan ang 37-anyos na lalaki makaraang makibarilan sa pulis na nagresponde sa babaeng humingi ng tulong noong Miyerkules sa Caloocan City.

Kinilala ang sugatan na si Dante Avila, 31, na muntik na matodas nang makipagbarilan sa mga intelligence officer ng Caloocan police.

Sa ulat kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, humingi ng tulong sa mga pulis si alyas Cynthia, 49, may-ari ng sari-sati store, hinggil sa grupo ng mga kalalakihan, kabilang ang suspek, na nais umanong dukutin at patayin ang kanyang manugang na lalaki.

Nang magtungo sa lugar ang naka-sibilyang pulis, nagpakilala siyang alagad ng batas subalit bumunot ng baril at nagtago sa likod ng nakaparadang taksi ang suspek hanggang umalingawngaw na ang palitan ng putok.

Nakita pa sa kuha ng CCTV na lumabas ng paika-ika sa gilid ng taksi ang suspek at nagawa pang tumakas patungo sa hindi na natukoy na lugar.

Nang mag-responde sina P/Capt. Mkko Arellano, hepe ng Bagong Barrio Police Station, tinunton nila ang mga patak ng dugo hanggang makarating sa bahay ng suspek sa 92 Kamagong Alley, Brgy. 152, Bagong Barrio na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Ayon kay Col. Doles, nakuha ng mga pulis sa suspek ang kalibre .45 pistol, dalawang bala at isang M84 hand grenade.

Natuklasan ng pulisya na dati ng nakulong sa kasong murder si Avila.