Calendar
Provincial
Lalaki nalunod sa ilog; kasama ligtas, sugatan
Gil Aman
Aug 19, 2024
566
Views
PATAY ang isang lalaki nang malunod at nakaligtas pero sugatan ang kaibigan niya ng tangayin sila ng malakas na agos sa Ilog Baho sa Tumana, Sitio Kaysakat, Brgy. San Jose, Antipolo City noong Linggo.
Nasagip pa ang biktimang si Raizuki Talledo at nilapatan ng cardiopulmonary resuscitation pero patay na din ng madala sa ospital.
Ginagamot sa Cabading District Hospital ang sugatang si San Lenard Toculas, ayon sa mga pulis.
Base sa ulat ng Antipolo police, nalunod ang biktima dakong alas 3:00 ng hapon. Nagkayayaan lang ang magkakaibigan na maligo sa ilog pero nauwi sa trahedya ang water adventure nila.
Ayon sa ibang saksi, inanod ng malakas na agos ang dalawa at nadala sa malalim na parte ng ilog.
Kelot binaril ng bayaw ng paltik, sugatan
Aug 2, 2026
Guardian bagong hepe ng Nasugbu police
Aug 2, 2026
PRO 4A cops umariba; inaresto 63 crime suspek
Aug 1, 2026
Bataan drug pusher nahatulong na kulong for life
Jul 31, 2026
‘SIGA NG CAVITE’ TINUTUGIS NA NG PULISYA
Jul 31, 2026

