Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Palengke

Lalaki namalengke, pinagbabaril, bulagta

339 Views

DEDO ang lalakIng pinagbabaril noong Biyernes ng nakatakas at hindi nakilalang salarin sa palengke sa Brgy. Poblacion, Padre Garcia, Batangas.

Isang tawag sa telepono ang natanggap ng Padre Garcia police mula sa isang residente at ini-report ang pamamaril kay alyas Juls, 35.

Nasa bilihan ng mga hayop sa palengke bandang alas-4:10 ng umaga ang biktima ng biglang dumating ang suspek at pinagbabaril ang biktima ng ilang beses.

Pagkatapos ng insidente, tumakas ang suspek patungo sa Brgy. Poblacion, Padre Garcia, Batangas.