Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Lalaki nasunog ng buhay sa bahay na tinupok sa Laguna
Gil Aman
Mar 28, 2026
339
Views
NASUNOG ng buhay ang isang lalaki habang sugatan ang isang babae sa sunog na lumamon sa kanilang bahay sa Sitio Matatag, Brgy. Calios, Sta. Cruz, Laguna noong Sabado.
Ayon sa ulat, na-trap sa loob ng nasunog na bahay ang biktima at natagpuan lang ang sunog na bangkay ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Sta. Cruz, Laguna.
Kinilala ang nasugatang babae na si alyas Jenelyn na ngayo’y ginagamot sa Laguna Medical Center.
Naganap ang sunog dakong alas-12:30 ng hatinggabi at idineklarang fire out bandang alas-2:45 ng madaling araw.
Tumanggi ang pamilya ng nasunugan na isailalim sa autopsy ang nasawing biktima.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng BFP upang malaman ang sanhi ng sunog.
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

