Untog tess Lardizabal Attachments3:53 PM (24 minutes ago) to Manuel, Tonight, me File photo ni JONJON C. REYES

Lalaki natumba habang nakikipag-away, inuntog sa semento, patay

Gil Aman Sep 9, 2024
23 Views

PATAY ang lalaki nang iuntog ng kaaway niya ang ulo sa semento noong Sabado sa Sitio Phase 1 Otso, Bonica Road, Brgy. San Isidro, Antipolo City, Rizal.

Isang araw nanatili sa ospital ang biktimang si Rjay na inuntog ng suspek na si alyas Renier.

Mahaharap sa kasong homicide ang suspek na kasalukuyang nakapiit Antipolo police station.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang away ng dalawa dakong alas-6:45 ng gabi sa hindi malamang kadahilanan.

Natumba ang biktima sa semento habang sila’y nag-aaway at sinundan pa ng suspek.

Habang nakatumba ang biktima, hinawakan ng suspek ng mahigpit ang ulo at l iniuntog sa semento na nagresulta sa pagkawala ng ulirat.

Isinugod sa Quirino Medical Center ang biktima subalit kinabukasan binawian ito ng buhay.