Patay

Lalaki patay sa saksak ng ex-mister ng ka-live in

7 Views

PATAY ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng umano’y dating asawa ng kanyang ka live-in sa 22 Avocado St., Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Nalaman ang pagpatay pasado alas-8:40 ng umaga ng may tumawag sa Taytay police mula sa Rizal Provincial System Hospital Taytay at nag report ng naganap na pananaksak.

Ayon sa imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa kanyang tricycle sa harap ng bahay bandang alas-6:30 ng umaga nang biglang dumating ang suspek na si alyas Orly.

Kinumpronta ng suspek ang biktima at sa hindi malamang dahilan nauwi sa mainitang pagtatalo ang komprontasyon.

Sa tindi ng sagutan biglang nagbunot ng patalim ang suspek at sinaksak ng maraming beses ang biktima dahilan upang magtamo ng mga saksak sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Isinugod ang biktima sa Rizal Provincial System Hospital Taytay ngunit binawian ng buhay habang ang suspek tumakas pagkatapos ng insidente.