Knife

Lalaki patay sa sunod-sunod na saksak sa QC

8 Views

TODAS ang 27-anyos na lalaki dahil sa sunud-sunod na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng hindi pa nakikilalang lalaki habang papauwi sa bahay sa Quezon City noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Avelino Ababao Labenia, alyas Bunso, 27, obrero, at nakatira sa 4 Denmark St., Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Bandang alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Dela Rosa compound sa Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora, ayon sa police report.

Batay sa imbestgasyon ni P/SSg Camilo Ross Cunanan, naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot sa likuran ang suspek na sumaksak sa biktima ng ilang ulit sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nakatakbo pa ang biktima subalit pagsapit sa Australia St. bumagsak na ito.

Isinugod ng kaibigan ang biktima a East Avenue Medical Center pero idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Jana Marie Negre.