Lalaki pinagbabaril ng 3 tropa, utas

31 Views

PATAY na ng dumating sa ospital ang 19-anyos na lalaki na pinagbabaril ng kanyang tatlong mga kasama sa harap ng kanyang bahay sa Novaliches, Quezon City.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center si Jayvie Pascual Clarion, ng 72 Veronica St, Villareal, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Batay sa report ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang pagpatay dakong alas-3:00 ng madaling araw noong Huwebes.

Pinaghahanap ang mga suspek sa krimen na sina John Carlo Manriza Mercene, 25; John Carlo Udtuhan Ginga, 21; at Paul Wilcon Betangcor Diaz, 23.

Nasa loob ng bahay si Clarion kasama ang live in partner nang tawagin ng kanyang kapitbahay at sinabing may naghahanap sa kanya.

Ayon sa saksi na si Jenny, nakita niya sa labas ng kanilang bahay si Ginga at Diaz kung saan sumama ang biktima at pinuntahan si Mercene na nasa motorsiklo.

Pinagbabaril ni Mercene si Clarion habang hinalughog nina Ginga at Diaz ang gamit ng biktima saka mabilis na tumakas.

Nakakuha ng tatlong basyo ng 9mm caliber ang pulisya sa crime scene.