PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
Lalaki pinagbabaril ng nasibak na pulis, dedo
Jojo Cesar Magsombol
Nov 29, 2024
446
Views
DEDO ang isang lalaki ng pagbabarilin ng nasibak na pulis sa Sitio Riverside, Brgy. Cogunan, Nasugbu, Batangas noong Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si alyas Erickson at ang suspek na si alyas Mark, 42, ayon kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao Jr., nasibak na pulis at ngayo’y walang trabaho.
Nakita ng mga pulis ang duguang biktima na may tama ng bala sa ulo at nakabulagta sa damuhan sa likod bahay ng suspek dakong alas-7:35 ng gabi.
Naaresto ang suspek kasama ang ginamit na baril, isang caliber .45 Colt na walang serial number.
Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

