Santiago Si NBI Director Jaime Santiago habang nagbibigay pahayag kaugnay sa nahuling suspek na namemeke ng mga commercial documents. JONJON C.REYES

Lalaki tiklo sa NBI dahil sa pamemeke ng commercial documents

Jon-jon Reyes Nov 12, 2024
58 Views

ARESTADO ng mga National Bureau of Investigation (NBI) agents ang isang lalaki dahil sa pamemeke ng commercial documents.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, pinangunahan ng NBI-Organized and Transnational Division ang operasyon sa San Fernando, Pampanga mula sa reklamo ng Endure Medical inc. (EMI) laban sa suspek na si Carlos Simbul Dela Cruz dahil sa estafa sa pamamagitan ng falsification of commercial documents.

Ayon sa reklamo, ilang indibidwal ang umoorder ng pharmaceutical products ngunit walang payment na lumalabas sa account ng EMI.

Sinabi rin ng mga kinatawan mula sa kompanya na peke ang mga pirma sa mga purchase order.

Natuklasan na ang indibidwal marami ng na-scam na pharmaceutical company.

Nagsagawa ng controlled delivery ang NBI at inatasan ang poseur delivery rider na ideliver ang package sa isang bus transport at ipinadala ang produkto sa San Fernando, Pampanga.

Pagdating sa lugar, naka poste na ang mga tauhan ng NBI at inaresto ang suspek na nag-pick up sa package.