Baril1

Lalaki tumakbo, hinabol, nakorner dahil sa dalang baril

34 Views

ARESTADO ang isang lalaki na may baril nang magsagawa ng operasyon ang mga kapulisan sa Brgy. Dolores Taytay, Rizal.

Ayon kay Rizal police director PCol. Felipe B. Maraggun, ang suspek na nasita ay kinilalang si alyas Jesus, 47, nakatira sa Brgy. Dolores.

Sa imbestigasyon, sinubukan pa umanong tumakas ng suspek kung saan isinasagawa ng tauhan ng Taytay MPS ang Oplan Sita.

Akmang kakapkapan ng kapulisan ang suspek para sa beripikasyon nang tumakas umano ito.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner at maaresto ang suspek.

Isang Entratec model pistol na may serial number at may kasamang magazine na kargado ng tatlong piraso ng balang ng 9mm ang nakumpiska sa suspek.

Nakadetine ang suspek sa Taytay Custodial Facility habang inihahanda ang mga kasong Article 151 o “Resistance and disobedience to a person in authority and their agents” at R.A. 10591 o “Comprehensive Firearms Law”.

Nanawagan ni PCOL Maraggun sa publiko na isangguni sa kinauukulan ang mga aktibidad na kaduda-duda at nang mabigyan ng aksyon ng mga kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng mamamayan.