Arestado Source: FB file photo

Lalaking armado ng baril arestado

Jon-jon Reyes Aug 24, 2024
29 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police ang isang 48-anyos na lalaki na armado ng baril makaraang humingi ng saklolo ang isang lalaki habang nagpa-patrol ang mga tauhan ng Recto-Soler Outpost ng Manila Police District (MPD) Meisic Police Station 11 kamakalawa.

Bandang alas-4:10 ng umaga nang magsumbong ang biktima ng suspek na si alyas Rodel, tubong Samar at naninirahan sa Norzagaray, Bulacan.

Namataan ang suspek na pasuray-suray hanggang siya’y sitahin. Doon na nakita ng mga pulis ang isang kalibre 45 na baril na may tatlong bala.

Dinala sa presinto, isinailalim sa medical check up at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Article 155 o Alarms and Scandal” at 151 “Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of such Personn.” ayon sa Pangulo