PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Source: File photo
Provincial
Lalaking may tattoo, nakitang patay, may tama ng bata
Gil Aman
Nov 14, 2025
762
Views
PATAY na at may tama ng bala ang lalaking natagpuan sa Arvin St., Purok 7, Lago Vista, Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna noong Huwebes.
Ayon sa Calamba City police, hindi pa nakikilala ang biktima na may taas na 5’3, katamtaman ang pangangatawan, naka pulang shirt pants, asul na jacket at brown na tsinelas.
May mga tattoo din ang biktima sa kaliwang paa, tiyan at kanyang kamay.
Si alyas Arturo, 57, ang unang nakakita sa biktima dakong alas-8:10 ng umaga na duguan ang dibdib at wala ng buhay.
Ayon sa saksi, walang nakakakilala sa biktima na posibleng doon lamang itinapon ng mga suspek sa krimen.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

