Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Lalaking nangisda natagpuang patay
Gil Aman
Nov 15, 2024
661
Views
NATAGPUANG patay ng anak at misis niya ang mangingisda na pumalaot na may dalang fish net at palaisipan kung paano namatay ang biktima sa Brgy. Inao-awan, Cavinti, Laguna noong Huwebes.
Base sa salaysay ni Ruth Flores, maybahay ng biktimang si Sherwin Flores, nagpaalam sa kanya ang nasawi dakong alas-6:00 ng umaga para mangisda sa Inao-Awan lake.
Hapon na pero hindi pa nakakabalik ang biktima kaya nagpasya ang asawa na isama ang anak na si Wendell sa lawa para hanapin ang biktima.
Bandang alas-4:00 ng hapon natagpuan nila ang biktima malapit sa ginamit na bangka na nakalubog at hinihinalang pumulupot sa ulo at katawan ang lambat.
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

