Calendar
Ang nasawing biktima. JONJON C. REYES
Lalamove rider nawalan ng kontrol sa motor, sumalpok, tigok

DEAD on the spot ang isang Lalamove rider matapos tumilapon sa tulay mula sa kanyang minamanehong motorsiklo matapos mawalan ng kontrol habang binabaybay ang kahabaan ng Beata Bridge, Pandacan, Manila, Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktima na si alyas Andrew,nasa legal na edad, naninirahan sa Magistrado Araullo St. Bacood, Sta. Mesa, Maynila.
Ayon sa report ng Pandacan Police, bandang 6:41 ng umaga ng mangayri ang aksidente. Nakunan sa CCTV sa barangay ang paglipad ng rider mula sa tulay.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Beata Bridge lulan ng kanyang Honda Click (352XHL) nang mawalan ito ng kontrol sa kanyang motorsiklo at sumalpok sa gutter.
Tumilapon ang biktima mula sa kanyang motorsiklo at napadpad sa San Miguel Brewery Warehouse, Barangay 866, Sta. Ana, Maynila.
Ayon sa nag-report ng insidente, napansin niya na ang motorsiklo ng biktima ay nakataob sa kalsada at umaandar pa ang makina.
Nilapitan ng saksi ang motorsiklo at nakita ang biktimang nakahandusay kung kaya’t inireport niya agad ang insidente sa himpilan.
Dali-daling rumesponde si PSSg Allanion Aquino, ng MDTEU Investigator.
Dinala ang bangkay ng biktima sa BVL Funeral Services para sa pansamantalang pag-iingat para sa autopsy.
