Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
sara Si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte habanf nagbibigay ng kanyang mensahe sa libong supporters sa Lubso, Pampanga. Kuha ni VER NOVENO

Lamang man sa mga survey Mayor Inday ayaw pakampante

364 Views

rallyKAHIT malaki na ang kalamangan sa mga survey kaugnay ng vice presidential race, hindi pa rin titigil sa pangangampanya si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ni Duterte na walang kandidato na nakasisiguro ng panalo hangga’t hindi pa ito naipoproklama kaya tuloy lang siya at si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangangampanya hanggang sa huling araw.

“We are always running scared. Iyan dapat ang mindset namin, dahil walang kasiguraduhan ang pagkapanalo until ma-proclaim ka po,” sabi ni Duterte sa panayam sa Mexico, Pampanga.

Sinabi ni Duterte na naghahanda na rin sila para sa eleksyon at sa bilangan ng boto.

Muli ring nagpasalamat si Duterte sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na muling nagpahayag ng kanyang suporta sa kanya.